Archive for February, 2006

Maminski

Saturday, February 4th, 2006

ang aking mama ay mabait

inaalagaan niya kami ng kami pa ay maliliit

ayoko na namang itanong kung bakit

siya ay maagang kinuha ng langit.

hanggang ngayon ay masakit pa rin

sa tuwing ang nakaraan ay aking iisipin

pilit ko mang sa isip ay alisin

ito’y parang bangungot na nagbabalik pa rin.

ngunit ano mang kalungkutan itong nadarama

ay wala na akong magagawa pa

kundi ang tanggapin na siya

ay namamahinga nang talaga.

ubusin ko man ang luha sa pag-iyak

dahil ang puso’y parang may kutsilyong nakatarak

ang magpakatatag,yan ang aking balak

buhay ko’y itutuloy,yan ang aking tinitiyak.

Ma, san ka man napunta

sana ikaw ay masaya

kahit sa palagay ko ay huli na

sasabihin ko pa ring MAHAL KITA!!!!